GMA Logo Shaira Diaz
source: shairadiaz_/IG
What's Hot

Shaira Diaz, paano napagsabay ang pag-aaral at trabaho?

By Kristian Eric Javier
Published February 23, 2024 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Silipin ang daily schedule ni Shaira Diaz sa article na ito:

Hindi biro ang daily schedule ng isang celebrity, lalo na kung pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral, gaya ng Kapuso Morning Sunshine na si Shaira Diaz. Kaya naman, ipinasilip ng aktres kung ano ang kadalasang routine niya sa araw-araw.

Inamin ni Shaira sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast na hindi naman talaga siya morning person at sa halip ay isa siyang night owl kaya naman naging challenging sa kaniya noong una ang maging parte ng morning show na Unang Hirit.

“Talagang sabi ko bumaliktad talaga, 360 'yung buhay ko nung nag Unang Hirit po ako kasi talagang night owl po ako e, ang tulog ko po usually alas tres, alas singko. Hindi ko po alam bakit, parang may insomnia po ako,” sabi niya.

Nagkuwento pa si Shaira na noong minsang nag-promote siya sa morning show ay hindi siya makapaniwala sa sobrang aga ng call time at sinabi sa sarili na hindi na siya uli magpo-promote sa show.

“Tapos ang ending, ayun, dun din ako napunta na talagang minahal ko naman din talaga. Talagang mahal ko na talaga ngayon 'yung Unang Hirit,” sabi niya.

BALIKAN ANG WINTER SOUTH KOREA VACATION NI SHAIRA SA GALLERY NA ITO:

Morning sunshine

Sa ngayon ay nasanay na siyang gumigising ng maaga at kahit day off niya ay maaga pa rin siyang nagigising. Dagdag pa niya, problema pa rin niya ang pagtulog dahil madalas ay natutulog siya ng

“So 'yung 'yung struggle ko po ngayon, nung nag Unang Hirit po ako, parang pumapasok po ako palagi ng two to three hours lang 'yung tulog ko so kung makikita n'yo po, may mga BTS (behind-the-scene) videos na talagang natutulog ako kasi kumukuha talaga ako ng chance na makatulog kung saan pa 'yan,” sabi niya.

Dagdag pa niya ay ginawan pa siya ng crew ng “bahay-bahayan” kung saan siya pwedeng matulog. Hindi rin naging problema kay Shaira na wala siyang night life dahil noon pa man ay hindi na siya mahilig lumabas.

“Parang homebody po kasi ako e, ok na ako sa Netflix, mag binge watch ng mga K-dramas, so ayos lang din. 'Yun nga lang, mas pinipili ko na lang din na sa bahay na lang ako, ayoko nang umalis alis unless may kailangan talaga akong puntahan or may meeting outside,” sabi niya.

Dagdag pa ng actress-TV host, “Mabilis po ako mapagod, parang mababa po 'yung energy ko sa labas, parang introverted po, ganun. Pero 'pag nasa harap ng camera, hindi nila mapapansin pero wala akong energy sa mga labas labas.”

Sabi pa ni Shaira ay madalas mas marami siyang energy 'pag walang tulog at parang bagsak naman siya 'pag lumagpas ito ng limang oras.

School Life

Aminado si Shaira na naging malaking tulong noon ang pandemic para mapagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil sa online classes kahit pa full load siya o kumpleto ang subjects na kinukuha niya para sa semester.

“Tapos, after pandemic naman, parang naging hybrid na siya. Ang nangyayari po, nasasakripisyo na lang po kunyari 'yung isa,” sabi niya.

Paliwanag ni Shaira, dahil hybrid ang schedule nila ay merong face-to-face at online classes siyang kailangan pasukan.

“So ang ginagawa ko, kapag 'yung subject ko nire-require 'yung face to face, nag-a-absent po ako sa Unang Hirit. Tapos kapag online class naman po, nakakapasok ako sa Unang Hirit,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “Kasi sakto po lahat ng schedule ko nagsastart ng 8 a.m.. E bibiyahe pa po ako e, so hindi kakayanin kaya nag-a-absent na lang po ako.”

Pakinggan ang buong interview ni Shaira dito: