
Kabi-kabilang sorpresa ang nagaganap ngayong Araw ng mga Puso, February 14, 2024.
Isa na rito ang sorpresang natanggap ng Morning Sunshine ng Unang Hirit na si Shaira Diaz.
Umagang-umaga ay nakatanggap ang actress-host ng napakagandang flower bouquet sa set ng Unang Hirit.
Ang bulaklak ay galing sa longtime boyfriend ni Shaira at Kapuso actor na si EA Guzman.
Sa Facebook post ng GMA morning show, makikita ang ilang larawan ni Shaira habang hawak ang bouquet na natanggap niya mula kay EA.
Sa comments section ng post, mababasa ang positibong mga reaksyon ng netizens tungkol dito.
Karamihan sa netizens, napa-"Sana all" pa sa nakakakilig na sorpresa..
Matatandaang noong nakaraang taon, maagang ipinagdiwang nina Shaira at EA ang Valentine's Day dahil sa kanilang busy schedules sa kani-kanilang TV projects.