GMA Logo Shaira Diaz
source: shairadiaz_/IG
What's Hot

Shaira Diaz, walang plano mag-artista noon: 'Commercials lang, ok na ko'

By Kristian Eric Javier
Published February 23, 2024 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Wala man sa plano, tila tama ang desisyon ni Shaira Diaz na pumasok sa showbiz.

Bukod sa pagiging host ng morning show na Unang Hirit ay isa ding magaling na aktres si Shaira Diaz na gumanap bilang Nika Aquino sa katatapos lang na drama-romance series na Lovers and Liars. Ngunit ayon sa aktres, hindi naman niya pinlano ang mag-artista at sinabing masaya na siya noon na lumabas lang sa mga commercial.

“Nagka-casting po din po ako, before, nagpupunta ako, nag-o-audition ako sa mga commercials pero parang hindi ako pinapalad mabuti dun e, parang mas maraming rejected kaysa sa nakuha,” kuwento ng aktres sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast.

Dagdag pa ni Shaira ay nag-audition lang siya para maging isang aktres nang ipasubok ito sa kaniya ng dating manager.

Aminado si Shaira wala siyang balak makapasok sa showbiz, ngunit dito rin niya napatunayan na “'pag para sa'yo, para sa'yo” matapos siyang matanggap bilang isang artista.

Nagsimula ang karera ni Shaira nang makapasok siya sa isang talent reality TV show noong 2012 ngunit ayon sa kaniya, muntik na siyang mag-back out noon dahil nahihiya siyang umarte, kumanta, o magsayaw.

“Parang sabi ko, 'parang hindi naman ako matatanggap dito,' kasi parang nasa mahigit 20,000 po 'yung nag-audition noon tapos wala po akong kilala sa loob, wala po akong backer,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “So dun po ako naniniwala na 'yung luck at kung para sa'yo, para sa'yo po talaga kasi nakapasok po ako out of all na nag-audition.”

KILALANIN ANG VERSATILE ACTRESS NA SI SHAIRA SA GALLERY NA ITO:

Ngunit kahit nag-aartista na ay gusto pa rin ni Shaira bumalik sa paggawa ng mga commercial kaya naisipan niyang mag-audition ulit. Dito siya umano nakatanggap ng kasiguraduhan sa tinatahak ng kaniyang karera.

“May nagsabi sa'king caster doon na parang 'alam mo, hindi ka para dito sa commercial, para ka talaga sa main screen, sa TV, 'yung umaarte,'” sabi niya.

Pagpapatuloy ng Kapuso Morning Sunshine, “Tapos parang sabi ko, 'A, ok.' Parang oo nga no, parang ang galing kasi hindi ko siya pinangarap po talaga.”

Pakinggan ang buong interview ni Shaira dito: