
Maraming netizens at fans ang nag-aabang sa next chapter ng “Highschool” series na pinagbibidahan ng Sparkle heartthrob na si Shan Vesagas at Balota star na si Esnyr Ranollo.
Nitong weekend, may pasilip ulit si Shan sa kanyang post sa Instagram Story ng behind-the-scene moments nila ni Esnyr Ranollo habang nagti-taping.
May hirit naman si Esnyr sa Instagram Story na “Sabi ko magsasalon lang ako, ba't biglang may nag-antay na tatlo?!”
Dito ibinahagi niya ang larawan nina Shan, Brent Manalo, at Jeremiah Lisbo.
Source: esnyrrr (IG) & svesagas (IG)
Samantala, sa panayam ni Sassa Gurl sa Fast Talk with Boy Abunda ay pinuri nito ang co-star niya na si Esnyr na inilarawan niyang “mahusay.”
Kuwento ng TikTok star kay Tito Boy, “Sobrang galing na galing ako sa nakshi ko na si Esnyr, yes!
“Si Esnyr siya yung kasama ko sa Balota, sobrang galing na bata! Sobrang talented, makikita mo 'yung YouTube niya. Ako, I don't mind competition and gusto ko 'yung ka-compete ko rin ay magaling. At magaling si Esnyr.”
RELATED CONTENT: GET TO KNOW SPARKLE HEARTTHROB SHAN VESAGAS