
Isang madamdaming post ang ibinahagi ngayon ng batikang aktres at singer na si Sharon Cuneta sa social media kaugnay sa pagpanaw ng kanyang malapit na kaibigan at sikat na makeup artist na si Felix Mariano Fausto Jr. o mas kilala bilang si Fanny Serrano.
Sa Instagram, ipinost ni Sharon ang larawan ng kamay ng namayapang makeup artist kalakip ang mahabang caption tungkol sa kanilang mahigit tatlong dekadang pinagsamahan.
Aniya, "The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn't think I did."
Nagpasalamat din ang aktres sa pagiging mabuti ni Fanny sa kanya lalo na sa mga panahong kailangan niya ito.
"Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared. Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades," ani Sharon.
Alam daw ng batikang aktres na nasa mabuting lugar na ngayon ang minamahal na kaibigan.
"I find peace in that I kept my promise to you. I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much," saad niya.
Miyerkules, May 11, nang ibalita ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Fanny ang kanyang pagpanaw sa edad na 72.
Bukod kay Sharon, marami na rin sa mga celebrities ang nagpahayag ng pakikidalamhati sa kaanak ng pumanaw na makeup artist.
Samantala, balikan ang naging karera ni Fanny Serrano sa gallery na ito.