
Hindi pinalagpas ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakataon na makapagpa-picture sa dating child star at Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon. Nangyari ito sa 18th birthday celebration ng anak ni Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan kamakailan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang mga larawan nila ni Ryzza at inamin na fan na fan siya ng batang TV host. Sa katunayan, gustung-gusto niyang maging guest noon sa dating programa ng huli na The Ryzza Mae Show taong 2013.
"Nung may show pa siya sa GMA 7, fan na fan niya ako at naghihintay akong i-guest niya ako dahil nahihiya ako magpresinta! Nahiya daw siya kasi. Kahit sa States noon pinapanood ko siya araw-araw! Kaya nung na-meet ko siya for the first time last night, nakiusap talaga ako magpa-picture!," kuwento ni Sharon sa caption ng kanyang post.
Ang nasabing post, agad na pinusuan ng maraming netizens at mga taga-hanga nina Sharon at Ryzza.
"Wow kahit megastar pa siya nagiging fan din talaga siya minsan," mensahe ng isang netizen.
"You're such a great kid Ryzza & finally you have a photo with Ate Sharon," dagdag pa ng isang netizen.
"Wow! How lucky of you Mama to take a picture with her!," mensahe naman ng isang fan.
Samantala, mapapanood naman si Ryzza sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA o bisitahin ang Eat Bulaga show page sa GMANetwork.com.
SILIPIN NAMAN ANG ILANG LARAWAN NI RYZZA MAE SA GALLERY NA ITO: