
Tuwang-tuwa si Sharon Cuneta nang makita niya ang Crash Landing On You-inspired anniversary greeting sa kanya ng asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan.
Ayon kay Sharon, alam umano ni Senator Kiko na "labs" niya ngayon ang aktor na si Hyun Bin, ang gumanap bilang Captain Ri sa naturang Korean drama.
Sa greeting ng senador, nag-transform silang mag-asawa bilang sina Sha-ri at Captain Ki.
Senator Kiko Pangilinan creates 'Crash Landing on You'-inspired photos for Sharon Cuneta
Saad ni Sharon sa kanyang Instagram post, "Itong asawa ko alam niya si Hyun Bin ang labs ko ngayon kaya sa aming 24th wedding anniversary eto ang message niya sa akin! Hahahahahaha!"
Dagdag pa niya ay ang kanyang mensahe sa kanyang sweetheart at sa lahat ng bumati sa kanila, "Happy Anniversary, Sutart. I love you! And salamat po sa lahat ng bumati sa amin sa araw na ito! God bless us all!"
Bukod sa K-drama greeting ni Senator Kiko, nagbigay rin siya ng kakaibang bulaklak sa kanyang asawa.
Ngayong taon dahil sa enhanced community quarantine, chicharon bulaklak ang tinanggap ni Sharon.
Saad nito, "At dahil may ECQ imbes na malaking bouquet ng bulaklak ang bigay niya sa akin, CHICHARON BULAKLAK ang nakuha niya!!! Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA BINIGAY NIYA SA AKIN!"
Dagdag pa niya, "Every year ito na lang sana! Hahahahahaha! Favorite ko ito bata pa ako eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha"
Frankie Pangilinan calls mom "Shawie;" asks for permission to release sexy song