
Tuwang tuwa ang maybahay ni Chito Miranda na si Neri Naig nang i-follow siya ni Sharon Cuneta sa Instagram.
READ: Neri Naig, ecstatic to learn that Sharon Cuneta knows her
Ngayon naman, si Megastar ang nagpahiwatig ng kanyang paghanga sa dating aktres.
Ayon sa kanyang Instagram post, natutuwa daw si Sharon kay Neri dahil lahat ng business ay sinusubukan.
Aniya, "Tuwang tuwa ako kay Mrs. NERI MIRANDA, wife of Parokya ni Edgar’s Chito who is Kiko’s nephew. I am always happy to help in my own little way people who deserve it, and Neri is one of them. You know naman no one can just come up to me and say “Uy paki-post naman ito para magka-followers (or customers) kami!” I have to know what I tell people about kasi baka they will hear about them from me and support them yun pala pangit naman ang products o services, ako ang mapapahiya! Itong si Neri sure ako okay ang products!"
Dagdag pa niya, pareho daw sila ni Neri na kulang na lang ay tumulay sa alambre para kumita.
"And I love people who, like me, think of ways to make a living di lang isa o dalawa. Parang ako si Neri - kulang na lang tumulay sa alambre! Yan ang hinahangaan at tinutularan. Please support her products. Someone na kasing passionate niya ay di puede ng di committed sa quality! Please follow her on IG sa napakarami niyang business accounts!"