GMA Logo Sharon Cuneta
What's Hot

Sharon Cuneta, sumailalim sa breast reduction sa Amerika

By Aimee Anoc
Published August 5, 2021 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta


Bukod sa breast reduction, mayroon pang isang medical procedure na ginawa sa Megastar. Alamin 'yan dito:

Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na sumailalim siya sa breast reduction procedure noong nagpunta siya sa Amerika.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, napilitang umamin si Sharon sa pinagdaanang surgery dahil paulit-ulit na nalalaglag ang strap ng kanyang bra habang nagaganap ang online press conference para sa pelikula niyang 'Revirginized.'

"Nagpunta ako ng Amerika, 'di ba? Tumaba ako pero konti lang, may lumiit sa akin. I had my chest reduced," pag-amin ni Sharon sa press.

"I gained so much weight and then I breastfed Miel. After gaining and losing, a lot of it was skin and fats. It was all-natural but it's all skin and fats and so I had it reduced," pagpapatuloy ng aktres.

Inamin din ni Sharon na sumailalim siya sa breast lift procedure.

Una nang ipinaalam ni Sharon ang planong pagpapabawas sa ibinahaging larawan sa Instagram kung saan nakasuot ito ng pulang bikini. Kuha ito sa isang eksena ng kanyang pelikula.

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

"Sinabi ko na 'yan sa Instagram. Mayroon akong ipinost na tingnan n'yo nang mabuti itong picture namin ni Pawie (Marco Gumabao). Kami ni Pawie yata 'yon, 'yung naka-bathing suit ako sa movie, kasi baka may liliit ho riyan, e," pahayag ng aktres.

Umuwi sa Pilipinas si Sharon noong August 1 at kasalukuyan pa ring sumasailalim sa quarantine matapos ang tatlong buwang pamamalagi sa Amerika, kung saan nakumpleto niya na rin ang kanyang COVID-19 vaccines.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang fitness transformation ni Sharon Cuneta: