
Nagkaroon ng moments of connection si Mommy Dearest star Shayne Sava at Lilet Matias: Attorney-at-Law star Sheryl Cruz sa Global Pinoy nurses sa naganap na 7th Philippine Nurses Association of America Foundation (PNAAF) International Collaborative Conference.
Isinagawa ang naturang conference sa Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Building Ballroom ng University of Santo Tomas.
Layunin ng nasabing conference na may temang “Achieving Global Health Through Innovative and Impactful Collaboration” na imbitahan ang ilang eksperto sa larangan ng nursing para pag-usapan ang mga bagong innovation, healthcare trends, at transformative solutions para sa isang sustainable health future.
Dumalo sa nasabing event si Shayne Sava at ipinamalas ang talento nang magtanghal siya para sa mga Global Pinoy nurses. Ipinamalas niya ang kaniyang sweet and enchanting energy sa entablado sa fellowship and cultural night ng nasabing conference.
Isang heartfelt na performance naman ang inihandog ni Sheryl Cruz para sa mga Global Pinoy nurses sa parehong pagtitipon.
Tila nakabuo naman ng koneksyon ang dalawang Kapuso stars sa Global Pinoy nurses na dumalo sa event dahil bukod sa napanood nila ang performance nina Shayne at Sheryl, nagkaroon pa sila ng pagkakataon na makapagpa-picture sa dalawang aktres.
Source: gmapinoytv/IG
TINGNAN ANG CELEBRITIES NA MAY PAMILYANG HEALTHCARE WORKER O FRONTLINER NOON PANDEMIC SA GALLERY NA ITO: