GMA Logo Shayne Sava, Althea Ablan
PHOTO COURTESY: shaynesava, althea_ablan30 (IG)
What's on TV

Shayne Sava at Althea Ablan, ipamamalas ang kanilang acting skills sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published July 15, 2023 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heart Evangelista, enjoy sa pagiging host ng 'The People Have Spoken'
DepEd assures all students can enroll
'AraBella' grand finale, abangan sa GTV!

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava, Althea Ablan


Handa na ba kayong masaksihan ang galing sa pag-arte nina Sparkle stars Shayne Sava at Althea Ablan? Abangan sila sa 'TBATS' ngayong Linggo.

Isang gabing punong-puno ng saya ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 16).

Ang leads stars ng recently concluded high-rating afternoon drama na AraBella na sina Shayne Sava at Althea Ablan ang special guests this Sunday sa TBATS.

Ipamamalas ng Kapuso stars ang kanilang galing sa pag-arte na mayroong comedic flavor sa “Roleta ng Kadramahan.” Matapos ito, ibabahagi rin ng promising young stars ang limang gawa-gawang excuse kapag nale-late sa appointment sa “TBATS Top 5.”

Tampok din dito ang ilang celebrities na magbabahagi ng kanilang mga "rason" kung bakit sila nale-late sa mga ganap.

Bukod dito, sasagutin nina Shayne at Althea ang harshest online critics sa segment na “Ang Harsh.” Dito ay salit-salit nilang babasahin ang meanest comments na nakuha mula sa social media.

Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 16) sa GMA, GTV, at Pinoy Hits.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEAUTIFUL LOOKS NINA SHAYNE SAVA AT ALTHEA ABLAN SA GALLERIES NA ITO.