
Si Kapuso actress Shayne Sava ang bibida sa brand-new episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap siya bilang Veronica, vlogger na gandang-ganda sa sarili sa episode na pinamagatang "Maldita Girl."
Si Veronica ang pinakamagandang babae sa kanilang bayan. Pero kung anong ikinaganda ng panlabas niyang anyo, siya namang ikinasama ng kanyang ugali.
Bilang isang content creator, susubukan niya ang isang misteryosong app kung saan mawawala ang kanyang ganda at babalik lang ito kung makapagpakita siya ng sapat na kabutihan.
Tutulungan siya dito ng best friend niyang si Ralph, played by Raynold Tan.
Magagawa kaya ni Veronica na ibalik ang kanyang beauty?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Maldita Girl," July 19, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.