GMA Logo Shayne Sava, Katrina Halili
What's on TV

Shayne Sava, grateful sa tiwala ng dating 'StarStruck' mentor na si Katrina Halili

By Kristian Eric Javier
Published February 21, 2025 8:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava, Katrina Halili


Malaki ang pasasalamat ni Shayne Sava sa kaniyang dating 'StarStruck' mentor na si Katrina Halili para sa tiwala nito.

Sa pagbisita ni StarStruck season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Savasa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 21, pinapanood kay Shayne ang isang video message mula sa kanyang Mommy Dearest co-star at dating mentor Katrina Halili. Sa video, sinabi ng beteranong aktres kung gaano siya kasaya at ka-proud na makatrabaho ang young actress.

“Gusto kong sabihin sa'yo na masaya akong nakatrabaho kita at siyempre, as mentor mo nu'ng StarStruck, sobrang proud ako sa'yo dahil nakita ko 'yung dedikasyon mo sa trabaho mo, 'yung pagmamahal mo sa trabaho mo. Tuloy-tuloy mo lang 'yun, alam kong malayo pa ang mararating mo. I love you,” sabi ni Katrina.

Dito ay hindi na napigilan ni Shayne na maiyak ng kaunti habang nagpapasalamat sa kaniyang Ate Kat.

“Si Ate Kat kasi, mapang-asar talaga 'yan at saka mapagmahal siya so naiiyak lang ako kasi there are a lot of people po pala na naniniwala sa'kin. Ang sarap po sa pakiramdam na may mga tao pong naniniwala sa kakayahan ko at saka nagmamahal po sa akin ng totoo,” ani Shayne.

Dagdang na kuwento ni Shayne, marami ang hindi naniniwala sa kaniya at sinasabi hindi na ito aangat sa karera at ito hindi marunong umarte. Marami din siyang natanggap na negatibong komento noon.

MAS KILALANIN PA SI SHAYNE SAVA SA GALLERY NA ITO:

Bukod kay Katrina, naging paborito rin siya ni Global Fashion Icon Heart Evangelista na dati rin naging hurado sa StarStruck. Ani Shayne, hindi niya ito nalaman hanggang sa magtatapos na nag naturang artista search.

“Nu'ng bandang dulo na po, Tito Boy, nu'ng parang sinasabi nila sa'kin, 'Parang paborito ka ni Heart.' Pero hindi po ako naniniwala kasi ayoko pong pumasok 'yun sa utak ko kasi baka mamaya kapag inisip ko 'yun, maging chill lang ako, ganiyan,” sabi ni Shayne.

Ngunit pag-amin niya, “Pero ayun po, after nu'n, parang kinilig po ako.”