
Ibinahagi ni Shayne Sava sa kanyang Instagram story kung ano ang nangyari sa kanyang paningin dahil sa paggamit ng contact lens.
Kuwento ni Shayne, hindi siya naging aktibo sa kanyang social media accounts dahil sa kanyang mata.
"To those wondering bakit hindi ako masyado naging active these past few days or last month, [it's] because something happened to my left eye.
Pag-amin ng StarStruck season 7 Ultimate Female Survivor, "Na-irritate siya from contact lens and guys ito 'yung masasabi ko na isa sa sobrang hirap na naranasan ko at ayaw ko na maranasan ulit."
Payo ni Shayne, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago gumamit ng contact lens.
"Be careful [when] wearing your contact lenses. Be sure to wash your hands and dapat sobrang linis nung contacts before wearing it."
Inamin rin ni Shayne na nahirapan siyang buksan ang kanyang mata dahil sa pangyayaring ito.
"I'm telling y'all guys, sobrang hirap talaga. Puro tulog ka lang, you can't open your eyes properly kasi sobrang sakit talaga niya. Kaya always take care and protect your eyes."
Sa kanyang post ay sinabi ni Shayne na pinanghinaan siya ng loob dahil sa kanyang pinagdaanan.
"There are times na gusto ko umiyak sobra...pero, bawal umiyak kasi nga lalo lang mamamaga. 'Yung tipong hirap ka talaga gumalaw. Hindi mo magawa yun mga gusto mong gawin, hindi ka makagawa ng something productive kasi nga masakit talaga siya."
Muli niyang pinag ingat ang mga nakakabasa ng kanyang post tungkol sa paggamit ng contact lens.
"Take care of your eyes, lalo na 'pag magsusuot ka ng contact lens. Check it first, wash it ng mabuti muna. Love y'all guys. I hope y'all are doing fine."
Sa sumunod namang post ni Shayne ay sinabi niya ang current status ng kanyang mata.
"Medyo okay na siya guys, but nasa healing process pa din."
Kuwento pa niya, kailangan niya pang magsuot muna ng salamin para protektahan ang kanyang mga mata.
"It still stings sometimes and namamaga siya ulit kapag natatagalan sa ring light, phone or kapag napapagod siya ng sobra. I hope gumaling na siya ng sobra."
Nagpasalamat rin si Shayne sa mga nagpadala ng messages sa kanya nang malaman ang kanyang sitwasyon.
"Thank you for the overwhelming messages. Sobrang naappreciate ko lahat guys, I love y'all."
Related content:
Shayne Sava on her first teleserye role in 'Legal Wives:' "It feels surreal'"
Lexi Gonzales at Shayne Sava, kumasa sa iba't ibang TikTok challenges sa GMA Playlist Live