GMA Logo shayne sava on mommy dearest
What's on TV

Shayne Sava, sa intense 'Mommy Dearest' scenes nila ni Camille Prats: 'Pagpag kaagad'

By Kristian Eric Javier
Published April 2, 2025 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava on mommy dearest


Ayon kay Shayne Sava, okay siya physically at mentally matapos ang mga intense na eksena nila ni Camille Prats sa 'Mommy Dearest.'

Patindi nang patindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime drama series na Mommy Dearest.

Kamakailan lang ay sumailalim sa ilang mga intense na eksena si Shayne Sava, na gumaganap bilang si Mookie; sa kamay ni Olive, na ginagampanan naman ni Camille Prats.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si Shayne sa sidelines ng GMA Drama Mall Show nitong Linggo, March 30, at kinamusta ang lagay ng aktres ngayon. Paglilinaw ng young aktres ay okay naman siya ngayon.

“Actually, 'yung mga scenes namin ni Ate Cams, lalo na 'yung mga heavy scenes, mahirap siya in terms of emotions, mabigat kasi siya, e. Pero in terms of acting wise, madali siya for me kasi may rapport na kami ni Ate Cams,” sabi ni Shyane.

Aniya, naging madali rin para sa kanila ni Camille Prats na meron na silang nabuong koneksyon dahil mas nakakapagbigay sila ng emosyon sa isa't isa sa kanilang mga eksena.

Nilinaw din ni Shayne na okay naman siya ngayon physically and mentally dahil natutunan niyang magpagpag pagkatapos ng bawat eksena.

“Parang natutunan ko rin po na after talaga every scene, 'wag mong dadalhin. 'Wag mong iuuwi sa bahay, or after heavy scene, pagpag kaagad,” sabi ng aktres.

Sinabi rin ng StarStruck season 7 Ultimate Female Survivor na mahirap dalhin ang mga emosyon mula sa eksenang ginagawa nila dahil malaki ang magiging epekto nito.

“Kapag dinala mo siya, maaapektuhan ka kahit pag-uwi mo, feeling mopagod na pagod ka or like parang wala ka talagang energy,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG ILAN SA PRETTIEST LOOKS NI SHAYNE SAVA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sinabi rin ni Shayne na dapat abangan ang pagdating ng bagong karakter na gagampanan ni Camille na si Jade. Sa nagdaang episode ng Mommy Dearest, nagkaroon na ng pahapyaw tungkol sa kaniya sa isang eksena kung saan makikitang kausap ni Olive si Jade sa cellphone.

“And dapat po nilang abangan kung ano 'yung magiging role ni Jade. Ano ba 'yung magiging epekto nu'ng pagdating niya sa kwento. Kasi, malaking impact din po talaga si Jade sa kwento,” pagbabahagi ni Shayne.

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.