GMA Logo shayne sava
What's Hot

Shayne Sava wishes to star in a fantasy series

By Jansen Ramos
Published July 12, 2022 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava


Ayon sa promising dramatic actress na si Shayne Sava, nais niya ring pasukin ang iba pang genre sa TV.

Sa loob ng tatlong taon matapos magwaging StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor, napatunayan na ni Shayne Sava ang kanyang galing sa pag-arte partikular na sa drama.

Kayang-kaya makipagsabayan ni Shayne kahit pa sa mga bigating artista gaya ni Cherie Gil na nakasama niya sa Legal Wives.

Puring-puri naman hindi lang ang performance ng 20-year-old actress pati na rin ang kanyang work attitude ng kasamahan niya sa current show niyang Raising Mamay na si Comedy Queen Aiai Delas Alas.

Sa mahusay na pagganap ni Shayne, hindi imposibleng muli siyang makasungkit ng traditional drama series.

Ayon kay Shayne, nais niya ring pasukin ang iba pang genre sa TV tulad ng fantasy.

"Marami pa akong gustong i-portray tulad na lang po ng fantaserye, pangalawa po is action, and horror.

"'Yan po 'yung mga gusto kong i-explore pero kung ano man po 'yung ibigay sa 'kin ng GMA, of course, tatanggapin ko po 'yun nang buong puso pero ayun po 'yung gusto ko lang ma-try," bahagi niya sa virtual interview ng GMANetwork.com

Nang tanungin namin kung sino ang nais niyang makasama sa isang proyekto, ang mga kaibigan niyang sina Kyline Alcantara ata Althea Ablan ang kanyang isinagot.

"Si Kyline at saka si Althea Ablan kasi close kami ni Althea so parang gusto ko siya makasama."

Kung siya raw ang papipiliin, gusto niyang makatrabaho ang dalawa sa isang teen romance series.

"Siguro po 'yung cute parang Tween Hearts, 'yung mga teen shows na sobrang light lang. Siguro po cute 'yon kasi we have love teams naman."

Sina Shayne, Kyline, Althea at ang kani-kanilang love team partners na sina Abdul Raman, Mavy Legaspi, at Bruce Roeland ay binansagang Sparkle sweethearts.

Maganda ang tinatakbo ng TV career ni Shayne so far. Sa katunayan, bukod sa pagiging aktor, nagsimula na rin siyang magkaroon ng endorsement.

Kamakailan ay pumirma siya bilang brand ambassador ng isang wellness and beauty center.

Sa maikling panahon pa lamang ng pagiging artista ni Shayne, marami na raw siyang natutunan sa showbiz partikular na sa mga kasamahan niya sa acting at maging sa mga onscreen character tulad ng karakter ni Aiai sa Raising Mamay.

Ani ng baguhang aktres, "Matuto kang makisama sa lahat ng tao 'yun kasi 'yung naturo sa'kin ni Mamay kasi sobrang galing n'ya pong makisama sa lahat ng tao, as in, mapagbigay s'ya hindi s'ya madamot siguro 'yun po 'yung dadalhin ko sa mga next shows ko.

"Ke mababa man 'yung posisyon o mataas, dapat pantay-pantay lang and huwag magiging madamot."

Kilalanin pa ang promising dramatic actress na si Shayne Sava sa gallery na ito: