
Umaani ng papuri ang 20-year-old Kapuso actress na si Shayne Sava dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa GMA afternoon drama na Raising Mamay.
Gumaganap dito si Shayne na anak na nagsasakripisyo para sa kanyang inang nagkaroon ng regressive behavioral disorder dahil sa severe traumatic brain injury.
Nagmistulang ina na ang karakter ni Shayne na si Abigail dahil ito na ang tumayong tagapangalaga ng ina nitong si Letty sa murang edad. Adoptive mom ni Abigail si Letty na ginagampanan ni Aiai Delas Alas. Ang nakabaril sa ulo kay Letty ang tunay na ina ni Abigail--ang kilalang TV host na si Sylvia Renacia (Valerie Concepcion).
Dahil sa nakakaantig ang bawat eksena nina Shayne at Aiai, marami ang napapaiyak ng show.
Tulad na lamang ng tagpong ito kung saan sumuko na si Abigail sa pag-aalaga sa adoptive mother niya na kung tawagin niya ay "Mamay." Ito ay matapos muntik nang masunog ang kanilang bahay dahil naiwan ni Letty na bukas ang kalan nang lumabas si Abigail.
Pinatunayan ni Shayne na kaya niyang makipagsabayan sa mga bigating artista tulad ng Raising Mamay co-star niyang si Aiai dahil damang-dama ang bawat emosyon sa kanilang mga eksena.
Ayon sa isang netizen, deserving si Shayne na tanghaling ikapitong Ultimate Female Survivor ng GMA reality talent search na StarStruck.
Mapapanood ang Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, kilalanin pa ang promising dramatic actress na si Shayne Sava rito: