GMA Logo Xu Kai, She and Her Perfect Husband
What's Hot

She and Her Perfect Husband: Noah at Felicity, may tampuhan?

Published February 18, 2024 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Xu Kai, She and Her Perfect Husband


Napanood n'yo rin ba ang tampuhan na nauwi sa tulugan sa 'She and Her Perfect Husband'?

Matapos ang sunud-sunod na kilig scenes, ilang malungkot na eksena naman ang natunghayan sa Chinese romantic drama series na She and Her Perfect Husband.

Sa previous episode ng serye, napanood ang seryosong pag-uusap nina Noah (Xu Kai) at Felicity (Yang Mi).

Maraming itinanong si Felicity kay Noah tungkol sa ilang alaala nito tungkol sa kanyang mga nakaraan.

Tila naging isang pagsubok para kay Noah ang pagtatanong sa kanya ni Felicity.

Kilala si Noah na isang tapat na lalaki, kaya naman bawat tanong sa kanya ng huli ay totoo niya itong sinasagot.

Nang mapag-usapan na nila ang ilang sweet moments tungkol sa past lover ni Noah, tila hindi napigilan ni Felicity na magselos.

Kasunod nito, tinanong ni Felicity si Noah kung makikipagbalikan ang huli sa dati sakali mang magkaroon ng pagkakataon.

Hindi sumagot ng oo o hindi si Noah, kaya naman inulit-ulit ito ni Felicity na tanungin sa una.

Sa ilang beses na tinanong ito ni Felicity, kapansin-pansin na walang balak si Noah na sagutin ito ng diretso.

Dahil nainis na sa mga narinig niyang paliwanag, bigla na lamang nagdesisyon si Felicity na tulugan na lang si Noah.

Susuyuin ba ni Noah si Felicity?

Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.