
Patuloy na napapanood sa GMA ang Chinese romantic drama series na She and Her Perfect Husband.
Umiikot ang serye sa istorya nina Noah at Felicity, ang mga karakter nina Xu Kai at Yang Mi.
Sa isa sa episodes nito, napanood na sinubukan muli ni Noah na maghanap ng trabaho.
Napahanga niya ang isang manager sa pamamagitan ng records na kanyang ipinakita.
Ngunit habang ini-interview ng manager, sobrang naging honest si Noah nang tanungin siya ng una kung bakit apat na taon siyang hindi nakapagtrabaho.
Mabilis na sagot niya, “Ayokong makipag-socialize.”
Matapos ang interview, nakausap ni Noah ang kanyang kaibigan at nakatanggap siya ng sermon mula sa huli.
Sabi ng kaibigan ni Noah, “Saludo ko sa 'yo, puwede mo namang sabihin na mayroon kang negosyo… bakit naman 'yun ang sinabi mo?”
Sagot ni Noah, “Sinabi ko lang 'yung totoo.”
Kasunod nito, ipinaalala ng kanyang kaibigan na ilang managers na ang na-badtrip kay Noah dahil sa mga sagot nito.
Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.