
Kasalukuyang ipinapalabas sa GMA ang Chinese romantic drama series na She and Her Perfect Husband.
Sa serye, kinakikiligan ng Pinoy viewers at mga Kapuso ang mga karakter nina Xu Kai at Yang Mi na sina Noah at Felicity.
Sa previous episodes nito na pinalabas sa telebisyon kamakailan lang, napanood na tila masama ang pakiramdam ni Noah.
Bago pumasok sa trabaho, ipinaghanda ni Felicity ng makakain si Noah.
Kinausap niya rin si Noah at kahit na hindi gaanong kumibo ang huli, inunawa na lamang siya ni Felicity.
Bukod pa rito, tinawagan ni Felicity ang best friend ni Noah upang ibilin muna sa kanya ang kanyang asawa.
Expert na nga ba si Felicity sa pag-aalaga sa kanyang asawa?
Ano-ano na kaya ang natutunan niya sa pagsasama nila ni Noah sa iisang bubong?
Gaano na kaya ka-importante sa kanya ang presensya ni Noah?
Patuloy na subaybayan ang She and Her Perfect Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.