What's on TV

Sheemee Buenaobra explains why she thinks Jessica Villarubin is least likely to win 'The Clash' Season 3

By Jansen Ramos
Published December 18, 2020 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Sheemee Buenaobra in The Clash 3


Ayon sa 'The Clash' contestant na si Sheemee Buenaobra, "Si Jessica [Villarubin] sobra talagang galing at isa rin talaga siya sa mga nakikita kong threat pero..."

Inisa-inisa ni Sheemee Buenaobra ang qualities na maaaring magpapanalo sa kanya sa The Clash Season 3.

Aniya, "Una, 'yung timbre ng boses ko, kaya ko pong mag-high and low notes.

"May mga nagsasabi rin po na kakaiba rin daw po 'yung boses ko which is siguro advantage diin 'yun.

"And lastly, versatility ko po."

Naniniwala si Sheemee na ang versatility ng kanyang boses ang pinakamatindi niyang panlaban sa kompetisyon.

Patuloy niya, "Malaki po kasi 'yung advantage nito kasi sa 'kin kasi napapakita ko 'yung character ko sa pagkanta.

"May kakaiba akong nailalabas and alam ko 'yung strength ko is marami akong nagagawa like nagagawa ko 'yung low notes and high notes and kung paano ko nailalabas 'yung style ko.

"Kapag pinagsasama-sama ko 'yung techniques ko, mas mailalabas ko 'yung pagiging versatile ko."

Aware si Sheemee sa mga strength at kahinaan niya pagdating sa pagkanta. At bilang nasa kompetisyon, sa palagay niya ay kailangan niya rin malaman ang katangian ng kanyang mga katunggali.

Nang tanungin ng The Clash Cam kung paano niya ira-rank ang kanyang sarili at kanyang mga katunggali, inilagay niya sa huling pwesto ang kinikilalang frontrunner ng kompetisyon na si Jessica Vilarubin.

Sa palagay ni Sheemee, "Hindi niya nabibigyan ng emosyon at focus 'yung kanta.

"Si Jessica sobra talagang galing at isa rin talaga siya sa mga nakikita kong threat pero may mga times talaga na 'di maiiwasan na parang ang strength n'ya is talagang birit."

Si Sheemee ay kabilang sa final six ng The Clash Season 3. Mapapanoood ang finals ng all-original Filipino singing competition ngayong Sabado, December 19, 7:15 p.m., at Linggo, December 20, 7:45 p.m., sa GMA-7.

Bukod kay Jessica, makakalaban ni Sheemee sa titulong The Clash grand champion sina Renz Robosa, Jennie Gabriel, Fritzie Magpoc, at Larnie Cayabyab.

Sa mga hindi nakakaalam, naging pambato ng Pilipinas si Sheemee sa D' (Dangdut) Academy Asia 5 kung saan niya nakasama ang Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas.