
Susubukang muli ng Caloocan singer na si Sheemene Buenaobra kanyang kapalaran sa The Clash.
Kuwento niya sa The Clash Cam, napurnada ang kanyang pagsali noong nakaraang season matapos kailanganing umalis sa audition venue dahil sa kanyang naunang commitment.
Ika niya, "Ang journey ko sa pag-o-audition sa The Clash is last year pa po noong 2019. So maaga 'ko pumila at naka-register hanggang sa inabot ako ng gabi. I felt bad dahil meron akong gig no'n sa Makati."
Kaya naman nang malamang nagbukas ng online audition ang The Clash para sa third season nito, dali-daling nag-send ng kanyang audition video si Sheemee at hindi naman siya nabigo matapos makaabot sa Top 30.
Aniya, "Narinig ko na merong audition ulit para sa season three ng The Clash so nag-audition ako though online and nag-send ako ng video ko. Dumating 'yung time na nag-s-scroll ako ng news feed ko sa Facebook, kinabahan ako dahil chineck ko 'yung mga list ng names at nakita ko 'yung pangalan ko do'n.
"Sobrang excited at natuwa 'yung naramdaman ko no'ng time na 'yon at sinabi ko agad sa family ko na nakapasok na ko sa audition ng The Clash."
Sa kanyang Facebook page, ipinamalas ni Sheemee ang kanyang mala-anghel na boses kung saan ginawan niya ng sariling version ang classic OPM na "Kung Ako Na Lang Sana" ni Bituin Escalante.
Masungkit na kaya ni Sheemee ang titulong The Clash grand champion this time?
Subaybayan ang kanyang The Clash journey simula ngayong Sabado, October 3, 7:15 p.m., sa GMA-7. Mapapanood din ang all-original FIlipino singing competition tuwing Linggo, 7:45 p.m.
Kung hindi man kayo makanood sa telebisyon, may livestreaming ang The Clash sa official Facebook at YouTube pages ng programa.
Konteserang Cebuana, sa 'The Clash' na kaya masusungkit ang inaasam na panalo?
Gaming video creator, susubukan ang kapalaran sa 'The Clash' Season 3
24-year-old palabang Clasher ng Cebu, gumawa ng paraan para makalipad papuntang Maynila