
Hindi biro ang maghanda para sa isang kasal.
Tulad na lang ng nararanasan ng Kapuso actress na si Sheena Halili, na umamin kinakabahan habang palapit na ang huge event.
LOOK: Sheena Halili's fiancé pens a love letter for her 32nd birthday
Sa Instagram post, ibinahagi ni Sheena ang ilan sa mga bagay na inaalala niya tungkol sa kanyang kasal.
Aniya, “Malapit na! Malapit na nga ba? Sa ibang tao matagal pa at nakaka-inip na pero ako nananaginip na sa kaba.
“Ilang buwan pa naman! Hala! Ilang buwan nalang?”
“May mga gabi at oras na naiisip ko may kulang pa ba? Tama ba? Okay lang ba? Kasya ba? Kaya ba? Ano paba? Papayag ba siya? Pumayag ba? Magkano ba? At kung ano-ano pang ba?”
Ilang celebrities naman ang nagbigay ng mensahe kay Sheena at pinaalalahanan siyang i-enjoy ang buong experience sa paghahanda para sa kanyang kasal.
Payo ni Carla Abellana, “Aww… Wedding planning stress. Kaya mo yan!”
Dagdag naman ni Maybelyn dela Cruz, “Enjoy the whole process sis! Sooo happy and excited for you! You deserve all the love!”
Noong August 2018, sinorpresa si Sheena ng marriage proposal ng kanyang lawyer boyfriend na si Jeron Manzanero.
LOOK: Sheena Halili, engaged na sa kanyang lawyer boyfriend