
Starstruck ang batikang aktres na si Sheryl Cruz nang makasama nila sa taping ng Lilet Matias, Attorney-At-Law ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Isa si Ms. Nora na mapapanood bilang guest cast sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang kauna-unahang legal serye sa Pilipinas.
"Star struck! Kasama ang nag-iisang Superstar, Miss Nora Aunor with Bobby Andrews. On location for Lilet Matias, Attorney At Law," sulat ni Sheryl sa caption niya sa Instagram.
Sa isang video na inilabas bago ang pilot ng programa, may patikim na ito kung ano ang magiging karakter ni Ms. Nora sa Lilet Matias, Attorney-At-Law. Ito rin ang magsisilbi nilang reunion ni Jo Berry matapos ang pagsasama nila noon sa Onanay.
Mapapanood ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 P.M. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood rin ito online via Kapuso Stream.