
Para kay Sheryl Cruz, suwerte na meron siyang magandang pedigree at “okay looks” nang pumasok siya sa showbiz industry kahit pa kilala siya bilang isa sa mga Showbiz Royalties. Ngunit paglilinaw ng aktres, mas “lubos na nagpapasalamat” siya na meron siyang talentong nakuha mula sa kaniyang pamilya.
At dahil umano sa talentong ito ay nakapasok si Sheryl sa showbiz at nakilala ang kaniyang pinakaunang on-screen partner - si Niño Muhlach.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Sheryl kung gaano naging kalaking tulong para sa kaniya ang nakuha niyang talent sa mga magulang na sina Ricky Belmonte at Rosemarie Sonora. Aniya, ito ang nag-sustain sa kaniyang career ng maraming taon.
“Kasi without the talent or that God-given talent na binigay sa akin nu'ng nandu'n sa itaas through my parents, through my pedigree, hindi ko 'yun mairaraos, hindi ko 'yun maipapasa,” sabi ng "Mr. Dreamboy" singer.
Pagpapatuloy pa ni Sheryl, ang talento niya rin mismo ang nagbigay daan sa kaniya para makapasok sa showbiz. Kuwento niya, nabigyan siya ng pagkakataon magbigay ng isang live audition para kay Alvaro “Cheng” Muhlach, ang ama ng aktor na si Aga Muhlach.
“Kasi my dad used to work for the Muhlachs sa Wonder Films. So when they went to my house, sabi ng Tito Cheng, ''Di ba meron kang daughter na parang kasing edad ni Niño? Ba't hindi mo siya pag-audition-in ngayon dito, sa akin?'” pag-alala ni Sheryl.
Aniya, sa mismong garden ng bahay nila siya nag-live audition at pagkatapos nu'n, “Nagkaroon na ng partner si Onin sa 'Pepeng Kulisap' at sa 'Agimat ni Pepe' na movie.”
“Siya 'yung aking unang partner sa pelikula, si Niño Muhlach, and I'm very grateful to the Muhlachs because they were the ones who gave me the chance to be an actress at the age of four,” sabi ni Sheryl.
Ayon kay Sheryl, simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang career sa showbiz hanggang sa makuha siya ni German Moreno o Kuya Germs sa variety show nitong 'That's Entertainment.'
“I started at the age of 12 with 'That's Entertainment.' Kay Kuya Germs na 'ko, 12 years old pa lang ako,” sabi niya.
Nang maka-graduate naman siya sa 'That's Entertainment,' lumipat naman siya sa isa pang variety show na 'GMA Supershow.'
Pakinggang ang panayam ni Sheryl sa podcast dito:
BALIKAN ANG ILAN SA MGA ICONIC ROLES NI SHERYL CRUZ SA GALLERY NA ITO: