GMA Logo Niño Muhlach
PHOTO COURTESY: oninmuhlach (Instagram)
What's on TV

Niño Muhlach, may mahalagang aral na natutunan sa 50 taon sa showbiz

By Dianne Mariano
Published May 2, 2024 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Niño Muhlach


Sa haba ng karera ni Niño Muhlach sa showbiz, anu-ano kaya ang mga aral na kanyang natutunan sa industriya?

Nakilala ang batikang aktor na si Niño Muhlach bilang isang dating child star at patuloy siya sa pagpapakita ng kanyang husay sa pag-arte.

Katunayan, umabot na ng limang dekada ang tagal ng kanyang karera sa industriya.

Kasalukuyang napapanood si Niño sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 bilang Lt. Sylvester “Style” Salonga.

Sa nalalapit na pagtatapos ng naturang serye, mami-miss ng seasoned star ang samahan na nabuo ng cast dahil pamilya na ang kanilang turingan sa isa't isa.

“Ang sarap katrabaho ng mga Kapuso, pati staff. Nakaka-miss,” aniya sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan kamakailan.

Bukod dito, nagbigay din si Niño ng mahahalagang mga aral na kanyang natutunan sa showbiz.

“Kailangan matuto kang makisama, tumingin sa pinanggalingan mo, at mahalin mo 'yung trabaho mo. Kapag ginawa mo 'yung tatlong 'yon, wala ng magiging problema.

"Magaling kang makisama, so gusto ka ng mga katrabaho mo. Mahal mo 'yung trabaho mo, so gusto ka ng mga producer. Kumbaga 'yung acting kasi napag-aaralan 'yan e. Mahalin mo lang talaga 'yung trabaho mo tapos kusa ng darating lahat 'yon,” aniya.

Subaybayan ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 ngayong Linggo (May 5) sa GMA.