GMA Logo Argus Kelsey Zephanie and Miguel Tanfelix
What's on TV

'Showing Bulilit' recreates Kidlat and Mutya's scene from 'Mga Batang Riles'

By Dianne Mariano
Published January 13, 2025 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Argus Kelsey Zephanie and Miguel Tanfelix


Ni-recreate nina 'It's Showtime' kids Argus at Kelsey sa 'Showing Bulilit' segment ang eksena nina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Mutya (Zephanie) mula sa GMA Prime series na 'Mga Batang Riles.'

Iba't ibang pag-recreate ng mga eksena mula sa mga TV show at films ang hatid ng It's Showtime sa segment nitong “Showing Bulilit.”

Isa sa mga ni-recreate na eksena ng It's Showtime kids ay mula sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Ginaya nina Argus at Kelsey ang eksena ni Kidlat (Miguel) at Mutya (Zephanie), kung saan pareho silang emosyonal habang nakasandal sa pader.

Mali ang sagot na ibinigay ng magkakamping Bela Padilla at Ryan Bang matapos maling mabigkas ng huli ang show title. Tamang nahulaan naman nina Showtime Online U host AC Soriano at Vhong Navarro ang title ng nasabing serye.

Ang nasabing eksena nina Kidlat at Mutya ay ipinalabas sa ikalawang episode ng Mga Batang Riles.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, mapapanood ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG SINO SINONG KAPUSO STARS ANG BUMISITA SA IT'S SHOWTIME