
Puno ng saya at kilig vibes ang nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show dahil napanood ang matchmaking segment na “Pusuan Na 'Yan”.
Ang searcher para sa naturang segment ay ang Asawa ng Asawa Ko star na si Liezel Lopez, o “Ms. Karagatan.”
Talong hunks naman ang sinubukang ma-impress ang Sparkle star at ito'y sina Jin Macapagal, o “Mr. Tambakol,” trending social hunk na si MJ Abellera, o “Mr. Galunggong,”at Showtime Online U host Wize Estabillo, or “Mr. Bangus.”
Hinarap ng hunks ang iba't ibang tanong ng Sparkle star at ipinakita ang kanilang skills sa improvisational comedy. Ano kaya ang reaksyon ni Liezel sa mga ito?
Tila nahirapan si Ms. Karagatan sa pagpili ng kaniyang pupusuan ngunit sa huli ang napili niya ay si Mr. Bangus. Nagbigay naman ng mensahe sina Liezel at Wize sa isa't isa.
“Tama ako ng pinili,” ani ng Sparkle beauty.
Mensahe naman ni Wize, “Salamat sa pagpili mo sa akin.”
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.