
Pinoproseso pa ni Shuvee Etrata mga nangyari Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong nakabalik na siya sa outside world.
Matatandaan na ang duo nina Shuvee at Kapamilya star Klarisse De Guzman, o ShuKla, ay ang latest evictees sa naturang programa.
Sa pagsalang ni Shuvee at ng iba pang na-evict na Kapuso housemates sa GMA Integrated News Interviews sa 24 Oras kamakailan, inamin ng aktres na na-overwhelm siya sa suporta ng fans ngunit nagi-guilty siya sa pagkaka-evict nila ni Klarisse.
“Until now, overwhelmed ako. I didn't know I won the hearts of many. I just realized it nung nakalabas po kami ni Ate Klang kasi I felt so bad.
“Kasi, we were nominated because of me. So parang 'yung guilt na 'yon, until now dala-dala ko siya, bubog ko siya,” pagbabahagi niya.
Related gallery: Shuvee Etrata's grand homecoming moments on 'Unang Hirit'
Tinanong din ang Cebuana beauty tungkol sa kapwa Kapuso star at PBB housemate na si AZ Martinez, na nag-nominate sa duo nila Klarisse for eviction.
Inamin ni Shuvee na nakaramdam siya ng betrayal kay AZ noong panahon iyon, ngunit pinapatawad niya na ang kapwa Sparkle talent.
Aniya, “I-acknowledge ko lang din naman po. I felt betrayed nung time po na 'yon, pero malaki naman po 'yung heart ko to forgive her and we found our way back to each other naman.
"Parang nung bumalik po ako, naging emotional po ako kasi even if it's hard for me na nangyari po sa amin iyon, na we had to part ways like that, nandoon pa rin naman po 'yung hope to form the bond again, to be okay again. Hinihintay ko lang po siya sa labas para po mas mapag-usapan namin."
Panoorin ang buong panayam sa ex-Kapuso housemates sa video na ito.
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9: 35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.