
Si Kapuso actress and PBB alum Shuvee Etrata ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap siya bilang Macy na mabibigyan ng once-in-a-lifetime opportunity sa "The Fake Heredera."
Aspiring actress si Macy pero lagi siyang bigo sa mga auditions.
Makakatanggap siya ng alok para magpanggap bilang nawawalang apo ng isang mayamang lola kapalit ang malaking halaga.
Makakayanan ba ng konsiyensiya ni Macy na umakting bilang fake heredera?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE RITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "The Fake Heredera," June 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.