GMA Logo Shuvee Etrata, Anthony Constantino
Courtesy: shuveeetrata (IG), Magpakailanman, anthony.constantino (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata, grateful kay Anthony Constantino

By EJ Chua
Published August 9, 2025 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Anthony Constantino


Nagkwento si Shuvee Etrata kay Mel Tiangco sa 'Magpakailanman' tungkol sa kanyang manliligaw na si Anthony Constantino.

Kahit nasa courting stage pa lang, kinakikiligan na ng marami sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.

Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata

Sa Magpakailanman episode kung saan tampok ang tunay na kwento ng buhay ni Shuvee, sinagot niya ang tanong ni Mel Tiangco sa interview kung kumusta ang kanyang puso ngayon.

Pahayag ni Shuvee, “Hala bakit may Anthony? Chariz haha… Si Anthony [Constantino] manliligaw po, manliligaw. Okay naman po siya.”

Inamin din ni Shuvee kay Tita Mel na gusto niya rin ang kanyang fellow Sparkle star.

Kasunod nito, inilahad niya ang dahilan kung bakit grateful siya sa pagdating ni Anthony sa kanyang buhay.

“Siya po ang nagdala sa akin sa church. As a Christian, siya po ang nagdala sa akin sa Christian church. Hindi po talaga naging madali sa akin before po ako pumasok sa Bahay Ni Kuya,” sabi niya.

Dagdag pa ni Shuvee, “December lang po nasaktan ako, I was in my most depressive side tapos si Anthony po dinala niya po ako sa church, kaya grateful po ako sa kanya po. I never had a boyfriend and siya po patiently waiting naman po siya.”

Courtesy: Magpakailanman

Samantala, sa previous guestings ni Shuvee sa ilang shows, ipinakilala niya si Anthony bilang kanyang TDH [Tall, Dark, and Handsome].

Si Shuvee ang isa sa latest evictees sa GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na patuloy na pinag-uusapan online.

Ang kanyang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang Kapamilya star na si Klarisse De Guzman, at nakilala sila sa recently concluded hit reality show bilang ShuKla.