GMA Logo Shuvee Etrata and Anthony Constantino
What's Hot

Shuvee Etrata introduces Anthony Constantino as her 'TDH'

By EJ Chua
Published June 20, 2025 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata and Anthony Constantino


Ex-PBB housemate na si Shuvee Etrata on Anthony Constantino: "Nandito na po 'yung TDH ko. Tall, check! Dark, check! Handsome? Grabe, guys.”

May bagong kilig moment ang Sparkle star at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata.

Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata


Sa pagbabalik ni Shuvee sa GMA morning show na Unang Hirit, labis niyang ikinagulat ang pagbisita ni Anthony Constantino sa kanya sa mismong set ng programa.

Ramdam sa ngiti at genuine reaction ng Kapuso star ang kilig nang makita niya ang binata na may dala pang bouquet para sa kanya.

Bukod dito, nakatanggap ng sweet message si Shuvee mula kay Anthony.

Inilahad ng Sparkle actor na sobrang proud siya sa naging journey ng una sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

“The world deserves to see her, and I'm happy that the world got to see her. I'm just really, really proud of her and really happy,” pagbabahagi niya sa Unang Hirit hosts at viewers habang nasa tabi niya si Shuvee.

Kasunod nito, lalo pang kinilig ang lahat nang inilahad ni Anthony kung ano ang pagkakakilala niya sa kanyang fellow Sparkle star.

“Ever since I met you, really you've been so kind… I'm really blessed and happy to have you in my life,” sabi niya.

Ayon kay Shuvee, thankful siya kay Anthony lalo na't hindi niya inaasahan ang pagsalubong nito sa kanya noong lumabas siya ng Bahay Ni Kuya.

Ipinaabot niya rin ang pasasalamat niya sa paghihintay at sa patience nito na tila may kaugnayan sa kanilang courting stage.

“Thank you for patiently waiting. Thank you for your patience. Thank you for being so special,” sabi niya.

Sinundan pa ito ni Shuvee ng pagpapakilala kay Anthony bilang kanyang TDH [Tall, dark, and handsome], “Guys, nandito na po 'yung TDH ko. Tall, check! Dark, check! Handsome? Grabe, guys.”

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.