GMA Logo Shuvee Etrata, Maymay Entrata and Melai Cantiveros
Source: maymay (IG), Your Honor & mrandmrsfrancisco (IG)
What's on TV

Shuvee Etrata, nagsalita na tungkol sa pagkumpara sa kanya kina Maymay Entrata at Melai Cantiveros

By Aedrianne Acar
Published July 6, 2025 6:20 PM PHT
Updated July 7, 2025 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Maymay Entrata and Melai Cantiveros


Sinagot ni Shuvee Etrata ang mga maanghang na tanong sa 'Your Honor.'

Buong tapang na sinagot ni Sparkle star Shuvee Etrata ang mga tanong ng House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa episode ng Your Honor nitong Sabado, July 5.

Sa pagsalang niya bilang resource person sa YouLOL Originals vodcast, sinagot niya ang mga binabato sa kanya ng bashers tungkol sa kaniyang Bisaya accent.

Dito ipinaliwanag niya kina Madam Cha at Vice Chair na may mga pagkakataong kino-compare pa siya sa celebrities na sina Maymay Entrata at Melai Cantiveros.

Nasaktan ba si Shuvee sa mga ganitong opinyon ng kanyang bashers?

“Nung una I was always compared to Maymay [Entrata] and then even during PBB I was compared with Ate Melai [Cantiveros], so I take it as like constructive criticism nga po kasi sila nga po ay Bisaya rin,” sabi niya sa Your Honor.

“And it could be my nuances are also [similar], siguro kasi napapanood ko rin sila before kaya ganito ako. It could be like that na subconsciously nakuha mo siya and then it's just that I'm Bisaya. And then a lot of my friends are also like this."

Alamin ang buong kuwento sa buhay ni PBB housemate Shuvee Etrata sa guesting niya sa Your Honor sa video below:

RELATED CONTENT: Glowing beauty of Shuvee Etrata