Hindi lang sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sumakses si Shuvee Etrata dahil isang 'TDH' hunk ang naghahatid ng kilig sa kanyang buhay.
Game na nag-share si Shuvee sa estado ng relasyon nila ng Sparkle hunk na si Anthony Constantino.
Kuwento ng Kapuso actress sa Your Honor, nag-meet sila ng tinaguriang Kapuso Balikbayan Heartthrob sa TikTok.
“Si Anthony naman naging crush ko siya sa series ni Esnyr. Nakit ko siya sa FYP ko, ni-repost ko lang. Tapos siya nag-follow sa lahat ng social media accounts, Instagram, TikTok.
“Ang type ko TDH (Tall, Dark and Handsome), like Donny Pangilinan is my crush. So nung nakita ko siya, hala! Same! So naging crush ko rin siya. Pero nung nag-chat siya, akala ko Pinas, [pero taga-LA].”
Ayon pa kay Shuvee, naunang nag-chat sa kanya si Anthony at ang message nito sa kanya ay 'Hi, ganda!”
Tapos, lahad niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, nireplyan naman niya ito ng “Hi, pogi”
Pagpapatuloy na kuwento ng Your Honor guest, “Ever since then dinala na niya ako sa church. Pero kasi liberated siya, so he needs to learn how to court as a Filipino, pero the core values are like really Filipino.”
“So nanligaw siya agad?" tanong ni Madam Cha.
“We've been seeing each other tapos 'yun na 'yung nanliligaw na siya, before entering PBB.”
RELATED CONTENT: Shuvee Etrata stuns with her Filipina morena glow