GMA Logo Shuvee Etrata and Pangkat Shuvee
Photo by: gmapictures, sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata, nanood ng 'Huwag Kang Titingin' block screening kasama ang fans

By Kristine Kang
Published April 19, 2026 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CamSur pride Zedrick Belen tops April 2026 midwives board exam
Niña Ytang after final UP game: ‘Pangarap ko lang po makapag-aral, tapos nandito ako sa UAAP’

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata and Pangkat Shuvee


Hindi rin nagpahuli ang Pangkat Shuvee sa pagsuporta sa horror film na 'Huwag Kang Titingin'!

Mula premiere night hanggang sa official release, tuloy-tuloy ang takutan at saya ng fans sa chilling horror film na Huwag Kang Titingin!

Kamakailan, back-to-back ang block screening ng fans kasama ang kanilang paboritong cast ng pelikula.

Kabilang dito ang Kapuso Island Girl na si Shuvee Etrata na masayang nanood kasama ang kaniyang minamahal na Pangkat Shuvee!

Hindi nagpahuli ang fandom na maka-bonding kasama ang aktres sa kanilang block screening sa Fishermall VIP Cinema.

Labis na nag-enjoy ang lahat sa takutan at nakatatawang scenes ng pelikula. Maliban dito, ready rin ang Pangkat Shuvee na ipakita ang kanilang hinandang banners, posters, giveaways, at mini photobooth para kay Shuvee at sa grupo.

"Shuvee Etrata felt the support and shared such a special moment with her fans during the 'Huwag Kang Titingin' block screening," ani ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang post.

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Huwag palampasin ang kakaibang horror experience ng Huwag Kang Titingin, now showing in cinemas nationwide!

Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., kabilang din sa cast sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Anthony Constantino.

Samantala, silipin ang iba pang Huwag Kang Titingin blockscreening ng fans sa gallery na ito: