GMA Logo Shuvee Etrata
What's on TV

Shuvee Etrata, sinuportahan ng mga taga-probinsiya ang kanyang sagot sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published November 8, 2023 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Naging mainit ang diskusyon tungkol sa naging sagot ni Shuvee Etrata sa survey question sa 'Family Feud' patungkol sa bilang ng sakay sa isang punuang tricycle.

Idinaan ng Sparkle actress at Cebuana beauty na si Shuvee Etrata sa isang video sa social media ang kanyang pagkadismaya sa kanyang naging sagot sa isa sa survey questions nang maglaro siya sa Family Feud.

Sa episode ng naturang game show nitong Martes, November 7, isa si Shuvee sa guest celebrity players kasama ang kapwa Sparkle artists na sina Angel Leighton, Yvette Sanchez, at Janeena Chan.

Nakalaban nila rito ang team The Guwapo Gang na sina Eris Aragoza, JR Baring, Kristof Garcia, at Irvine Garcia.

Sa kanilang paglalaro, nanalo ang team nina Shuvee na Sparkle Squad kung kaya't sila ang naglaro sa 'Fast Money Round.'

Nang sumalang si Shuvee sa nasabing round, isa sa naging tanong sa kanya ng game master na si Dingdong Dantes ay, “Ilan ang sakay sa punuang tricycle?”

Sagot ni Shuvee, “Twelve.”

Paliwanag ng aktres, “Alam 'yan ng mga taga-Bantayan Island, 'yung tricycle namin parang jeep.”

Marami namang netizens ang nagtaas ng kilay sa naging sagot ni Shuvee. Pero marami rin ang sumang-ayon at nagtanggol sa aktres. Karamihan dito ay ang mga nakatira sa probinsya at kababayan ni Shuvee sa Cebu.

“Ganito po talaga basta sa probinsya Miss Shuvee hahaha,” komento ng netizen.

“12 naman talaga kapag tricycle sa baryo,” dagdag pa ng isang Family Feud viewer.

“'Wag kang mag-alala Shuvee sa probinsya lampas 12 pa minsan ang sakay hahaha,” post pa ng isang netizen.

“Naku dito sa amin sa Bicol maramihan na sakay minsan sa bubong pa ng tricycle meron. Ang saya kaya. Sa ibang lugar kasi lalo sa Manila minimum 3 o 4 lang pasahero,” depensa pa ng isang netizen kay Shuvee.

RELATED GALLERY: The hottest photos of Cebuana beauty Shuvee Etrata

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.