Bigating personalities, napanood sa 'Family Feud' pilot week

Nagbalik na ang pinakamasayang game show sa buong mundo, ang Family Feud!
Sa pilot week ng bagong season ng programa, iba't ibang grupo agad ang naglaro at nakihula ng top survey answers kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Kabilang sa mga buena manong player ay ang ilan sa cast ng The Missing Husband, Black Rider, at Stolen Life.
Bumisita rin ang basketball athletes mula sa NCAA; ang LPU Pirates, at JRU Heavy Bombers.
Nakisaya rin ang mga bago at sikat na OPM band ngayon na Dilaw at Lola Amour.
Naghatid naman ng good vibes ang ilang sikat na content creators na sina Mika Salamanca at Lottie Bie sa huling araw ng pilot week.
Balikan ang mga naging kaganapan sa unang linggo ng bagong season ng Family Feud, DITO:














