
Jampacked na talaga schedule ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars, lalo na ang Kapuso housemates.
Sa darating na August, hindi lang isa kundi dalawang engrandeng event ang pinagkaabalahan ngayon ng PBB stars.
Isa na rito ang hinihintay na The Big ColLove Fancon, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 10. Muling magsasama-sama ang sampung Kapuso at sampung Kapamilya stars para magbigay ng saya sa kanilang fans.
Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Shuvee Etrata, Will Ashley, at Dustin Yu ang kanilang excitement at paghahanda.
"Nagre-rehearse na po kami, so abangan n'yo kasi it's gonna be super fun. Makikita n'yo akong kumanta, at sumayaw. Ngayon practice talaga, practice-practice para mas maging worth it [sa] mga manonood," ani Dustin.
Dagdag ni Shuvee, "Of course, we're going to prepare for it. Lahat kaming housemates, magtutulong tulong kami na mabigyan kayo ng magandang show, so excited for that, magre-reunion ulit kami."
Bukod sa concert, abala rin sila para sa pinaka-dazzling Kapuso event ng taon, ang GMA Gala 2025. Gaganapin na ito sa Sabado, August 2, kaya't todo ang preparations ng housemates para sa kanilang outfit of the night.
"Nagagawa ko palang is makapag-fitting pa lang talaga ng susuotin ko po. Pero 'yung mga tutuluyan kong hotel, grabe wala pa kasi sobrang busy din ng schedule. Pero at the same time, ginagawan po namin ng paraan para maging presentable din naman, of cours, sa darating na gala," ani Will.
Dagdag pa niya, "For me talaga pinaghandaan po namin [ang outfit] and masasabi ko na maganda po siya."
Ani naman Shuvee sa kanyang susuotin, "I am sure it's going to be mabango, it's going to be mahalimuyak. So, I am giving you actually a hint of what I'm going to wear, so see you all sa gala. I am just so sure it's mabango, mabulaklak, and just excited about it."
Sabi naman ni Dustin. " I just had my fitting [last Wednesday]. Of course, I had to workout, kailangan mag-workout."
Makakasama rin nila sa GMA Gala 2025 ang iba pang PBB housemates, Kapuso stars, celebrities, at influencers para sa isang glamorous at unforgettable night.
I-follow ang GMANetwork.com at social media accounts ng GMA Network at Sparkle para sa updates tungkol sa The Big ColLove Fancon at GMA Gala 2025!
Samantala, balikan ang heartwarming moments ng GMA Gala 2025 Partners' Night sa gallery na ito: