GMA Logo Shuvee Etrata
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN, shuveeetrata (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata, winner sa first Big Intensity Challenge sa PBB

By EJ Chua
Published May 24, 2025 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Congratulations Kapuso housemate, Shuvee Etrata!

Si Shuvee Etrata ang Kapuso housemate na itinanghal na winner sa unang Big Intensity Challenge sa Bahay Ni Kuya.

Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ipinaalam ni Kuya kay Shuvee ang tungkol sa nakamit niyang tagumpay.

Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Ang Sparkle star ang nanguna sa naturang challenge at tila hindi siya makapaniwala sa naging resulta nito.

Ipinatawag ni Kuya si Shuvee sa confession room at sinabi ng una sa huli, “Nais kong ipaalam sa'yo, ang nanguna at nagkaroon ng pinakamabilis na oras sa Big Intensity Challenge ay ikaw. Congratulations.”

“Ha? Wait. In-announce mo na, Kuya? Ako talaga?,” reaksyon ng Kapuso housemate.

Sagot ni Kuya sa kanya, “Tama ang nadinig mo.”

Sa hiwalay na eksena ng programa, naiyak si Shuvee at inilahad niya ang kaniyang naramdaman sa kaniyang pagkapanalo.

“Karapat-dapat po akong manatili sa bahay n'yo po pala. Sobrang saya ko po ngayon,” sabi niya.

Mababasa online na maraming humanga sa ipinakitang husay ni Shuvee sa pagsagot sa mga katanungan at sa mabilis na pagtapos niya sa pag-flip ng mga letra na parte ng challenge.

Si Shuvee ang unang Kapuso housemate na ligtas mula sa nalalapit na nominasyon at mayroon siyang karapatan na pumili ng kaniyang final duo.

Samantala, abangan pa ang susunod na mga kaganapan sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.