GMA Logo Sienna Stevens
PHOTO SOURCE: The Master Cutter
What's on TV

Sienna Stevens, ipinamalas ang husay sa pag-arte sa 'The Master Cutter'

By Maine Aquino
Published August 1, 2026 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Supranational 2026 Katrina Llegado's evening gown is inspired by the sunrise
24 Oras Weekend Livestream: August 1, 2026
Minor dies, companion hurt in road accident in Toledo, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Sienna Stevens


Marami ang naluha sa pagganap ni Sienna Stevens bilang Ibyang sa 'The Master Cutter.'

Patuloy sa pagpapakita ng husay sa pag-arte ang child actress na si Sienna Stevens sa The Master Cutter.

Si Sienna ay ang 50th Metro Manila Film Festival Best Child Performer para sa pelikulang Green Bones. Hinangaan din siya sa mga seryeng Royal Blood, Encantadia Chronicles: Sang'gre, at marami pang iba.

Sa latest episode ng The Master Cutter, ipinakita ni Sienna ang kaniyang galing sa pagganap bilang Ibyang.

Sa post ng GMA Network, mapapanood ang emosyonal na eksena ni Sienna. Kasama niya rito ang kaniyang co-actors sa The Master Cutter na sina Max Collins at Ericca Laude.

Saad ng isang netizen, "Magaling tong bata.. kahit nakakuha na ng award meron pang ibubuga."

Komento naman ng isang napahanga ni Sienna, "Grabe si Ibyang. Yung bitaw ng mga linya niya. Ang bigat pero ang swabe niyang dinilever. Future best actress in the making. Bihira ang batang ganito kagaling umarte. Same with the kid na nagplay ng Janine."

Samantala, isa naman ang nagsabing, "Ang galing umarte ni ibyang kaya nagka award yan sya agad e, galing nya iexpress ung nararamdaman nya."

"Madadala ka talaga sa iyak ni ibyang… award winning ka ibyang," saad naman ng isang tumututok sa The Master Cutter.


Patuloy na subaybayan si Sienna sa The Master Cutter sa GMA Prime at 8:00 p.m.

Related Gallery: Strong chemistry powers 'The Master Cutter' cast