
Pinusuan ng fans at netizens ang sweet Father's Day message ng Sparkle child star na si Sienna Stevens para sa kanyang The Master Cutter co-star at second father figure na si Dingdong Dantes.
Ginagampanan ni Sienna ang role na Ibyang sa The Master Cutter, ang makulit na sidekick ng master tracker na si Atoy, played by Dingdong.
Sa Facebook, in character pa si Sienna nang magpaabot ng pagbati sa kanyang Tatoy.
“Uy, Master Sungit (Dingdong Dantes), Happy Father's Day.”
“Alam ko naman na the best Tatoy ka! And the best daddy nina Zia at Sixto,” Sabi ng young actress.
Hirit pa niya kay Dong, “Oh, magrelax ka lang diyan sa Canada, kasi it's your day e. Pagbalik mo madami ka na naman misyon na need na maacomplish sa The Master Cutter.
“Lalo na 'yung mga problema mo kay Ibyang. Ay naku! I love you Master Sungit.”
Nag-reply naman si Dingdong sa Father's Day post ni Sienna. Sabi ng award-winning actor, “Ang kulit mo talaga Ibyang. salamat sa pagbati.. i will see you soon. Labyu, Ibyang…”
Unang nakatrabaho ni Dingdong Dantes si Sienna Stevens sa hit mystery drama series na Royal Blood (2023) kung saan nakasama nilang dalawa sina Mikael Daez, Megan Young, Lianne Valentin, at Rhian Ramos.
Source: Dingdong Dantes (FB)
RELATED CONTENT: MEET SPARKLE STAR SIENNA STEVENS