
Tuwang-tuwa ang Sang'gre actress na si Sienna Stevens nang muling makita ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa video na ibinahagi ni Jeferson Salonga sa TikTok, hindi inaasahan ang pagkikita nina Dingdong at Sienna sa harap ng Pinoy Big Brother house.
Maririnig sa video ang pagtawag ni Sienna kay Dingdong ng Daddy Ding. Nang makita ng aktor ang batang aktres ay agad niya itong niyakap.
@jeffersonsalonga5 daddy Ding and Sienna Accidentally meet at Pinoy Bigbrother House 😱#siennastevens #DingdongDantes #celebrity ♬ original sound - Jeferson Salonga
Nagkatrabaho sina Dingdong at Sienna sa hit murder mystery series na Royal Blood kung saan gumanap silang mag-amang Napoy at Lizzie.
Samantala, napapanood ngayon si Sienna bilang young Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
MAS KILALANIN SI SIENNA STEVENS SA GALLERY NA ITO: