
Social media personalities na may pinagsamang milyun-milyong followers at nakilala sa viral songs at viral food content ang magsasagupa sa Thursday episode ng Family Feud!
Sa panig ng Calucin Family, mangunguna ang singer at content creator na si Justine Calucin na halos 10 million na ang followers dahil sa kanyang music covers at original songs.
Kasama niya ang kapatid na si Monica Bianca Calucin, isang graduating dentistry student at singer-content creator na may mahigit 18 million combined followers. Kilala siya sa kanyang vocal covers, vlogs, at siyempre sa viral na "Calucin Siblings" videos.
Makakasama rin nila ang bunsong kapatid na si Nicole Calucin na unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa music scene, at ang kanilang ama na si Rene Calucin, isang singer na may love for music tulad ng ibang miyembro ng kanilang pamilya. Bukod dito, magkakasama rin silang tumutugtog bilang miyembro ng Harmonica.
Makakaharap nila ang Family Food, isang grupo ng food content creators at street food entrepreneurs na patok na patok online.
Pangungunahan ang team ni Naomi Peña Olazon, isang food vlogger na walong taon na sa industriya at may mahigit tatlong milyong followers. Napanood na rin siya noon sa GMA show na Farm to Table.
Kasama rin niya si Jack Alfaro, isang food vlogger at matagal nang food vendor sa Quiapo na halos 19 taon nang nasa food business. Tampok din sa kanilang team ang viral personality na si Edison Conocido, o mas kilala bilang "Chris Brown ng 'Pinas," na sumikat dahil sa kanyang energetic dance performances habang nagbebenta ng buko sherbet. Hindi naman papahuli si Edison Manalo, na mas kilala online bilang Sawadekap, ang viral Tornado Thai Slushy vendor na paborito ng netizens dahil sa kanyang fun at entertaining personality.
Abangan ang tapatan ng social media favorites sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 6, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.