
Sa "A Mother's Love" episode ng Wish Ko Lang noong Sabado, nasaksihan ang patuloy na pagsusumikap ng single mom na si Tess (Sheryl Cruz) para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.
Mahirap man dahil wala siyang katuwang sa buhay, hindi ito naging hadlang kay Tess para mapalaki nang mabuti ang mga anak.
Sa ngayon, matapos na masunog ang pabrikang pinagtatrabahuan, nangangalakal siya ng lata, plastik, at diyaryo para may panggastos sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Patuloy ring pinapatakbo ni Tess ang maliit niyang tindahan kahit na madalas ay nauubusan ito ng paninda dahil kapus sa puhunan.
Kaya naman para matulungan si Tess at ang dalawa niyang anak, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Binigyan ng programa ng isang makeover si Tess para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan. Kasabay nito ang mga inihandang regalo ng Wish Ko Lang para sa kanya.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Sheryl Cruz sa gallery na ito: