
Isang single mom of three ang maswerteng nanalo sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang' nitong Sabado, September 18. Ito ay si Maricris Mostaza, na bukod sa pagiging single parent ay kasama rin sa bahay ang kanyang magulang na parehong senior citizen na.
Maliliit pa ang tatlong anak ni Maricris at siya ang mag-isang nagtataguyod sa kanila. Dating taxi driver ang kanyang ama ngunit natigil ang kanyang pagmamaneho dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).
Bukod sa araw-araw na pangangailangan nila at mga gamot ng kanyang mga magulang, pinoproblema ni rin nin Maricris ang ibang mga bayarin tulad ng renta sa bahay at tuition fee ng kanyang mga anak.
Tanging ang pagtitinda ng herbal products at pag-buy and sell ng mga gamit ang pinagkakakitaan ni Maricris dahil nalugi ang online business na sinimulan niya noon.
Kaya naman bilang isang loyal viewer at follower ng bagong 'Wish Ko Lang,' nagbakasali siya at nag-comment ng kanyang wish sa official Facebook page ng programa.
At nitong Sabado, September 18, tila dininig ng langit ang hiling ni Maricris dahil siya ang maswerteng nanalo sa 19 Instant Wishes promo.
Kabilang sa mga premyo na ipinagkaloob ng progama kay Maricris ay negosyo package worth PhP 100,000 (merienda foodcart, beauty business with brand new tablet, patisan business, karinderya showcase, at RTW business), salon hair treatment, at 'Wish Ko Lang' money bowl.
Si Maricris Mostaza at ilan sa mga papremyong napanalunan niya sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
Ikaw rin ay puwedeng magwagi sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang.' I-follow lang ang kanilang official Facebook page at abangan ang bagong post kung saan dapat i-comment ng iyong wish tulad ng nasa ibaba.
At patuloy na manood ng bagong 'Wish Ko Lang' tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7, para sa mga istoryang kapupulutan ng aral at inspirasyon.