
Mukhang bitter ang magiging ang araw ng mga puso para sa only daughter ni Barak (Vic Sotto) na si Stacy (Maine Mendoza).
Daddy's Gurl: The father and daughter tandem of Barak and Stacy Otogan
READ: 'Daddy's Gurl' biktima ng fake news
Sa Iconic Media Office kasi, dagsa ang mga nagpapadala ng flowers, chocolates at gifts. Ramdam tuloy ni Stacy ang pagiging single sa February 14.
Tuluyan kaya maging sawi sa pag-ibig si Stacy?
At ang bagong barista ni Barak sa Starbarak's 'tila may matinding hugot sa dati nitong ex. Matulungan kaya ni Barak si Meghan (Andrea Torres) sa problema nito na maayos ang relasyon niya sa dating jowa na si Harry (Pekto)?
May feeling maganda? At meron din namang nagmamaganda? At ang tunay na maganda, iniwan naman ng jowa?#DaddysGurl, every Saturday night after #WowowinPrimetime! For exclusive updates and more, visit https://t.co/cUwfOkyJPo. pic.twitter.com/G5YK6SGgT6
-- GMA Network (@gmanetwork) February 14, 2020
All out love at all out sa tawanan ang mapapanood ninyo this Saturday night (February 15) with special guests drama actress Andrea Torres at comedian/TV host Pekto.
Yayain ang buong barangay at tumutok sa Daddy's Gurl sa bago nitong timeslot after Wowowin Primetime at exactly 8:00 PM.