Article Inside Page
Showbiz News
Sa kanyang 'CelebriTV' guesting, sinagot ng Asia's Songbird ang controversial na tanong na ito.
By CHERRY SUN
Bumisita ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa newest entertainment-comedy-talk show na
CelebriTV at nakipagchikahan kay Aiai delas Alas.
Ang unang tanong sa kanya ng Philippine Comedy Queen, “Sa lahat ng na-chismis kay cousin Ogie (Alcasid), kanino ka nagselos?”
Naging simple naman ang sagot ng
Sarap Diva host at
StarStruck judge, “Wala. Hindi ako selosa eh.”
Ngunit dagdag niya, “Kasi ang mga lalaki feeling ko ah, lalo na asawa ko, ang talent nila mag-flirt.”
Sa katunayan raw ay minsan na niyang nakitang makipag-flirt si Ogie. Alam daw niyang ganito kapag nakikipagbiruan ang asawa niya.
“Nung isang time na-ospital siya, dinala ko sa ospital. Tapos nakakatawa kasi ‘yung nurse na nag-aasikaso sa kanya, fini-flirt niya. Sabi niya, ‘Ah, so what’s your name?’ Nandoon ako. Chinichika-chika siya. ‘Ah talaga, hahaha’ Gumaganon,” kuwento ni Regine.
“Sabi ko talaga sa asawa ko pag-alis nung nurse, ‘Eh kumusta ka naman? Nandito lang ako!’ Tapos tawang tawa na siya,” patuloy niya.