Article Inside Page
Showbiz News
Sa nalalapit na pagtatapos ng primetime series na
Anna KareNina, inalam ng GMANetwork.com sa pamamagitan ng isang online poll kung sino sa palagay ng mga Kapuso netizens ang tunay na apo ng mga Monteclaro.

Sa nalalapit na pagtatapos ng primetime series na
Anna KareNina, inalam ng GMANetwork.com sa pamamagitan ng isang online poll kung sino sa palagay ng mga Kapuso netizens ang tunay na apo ng mga Monteclaro.
As of September 10, 2013, a total of 1,445 votes have been cast by the online community. Almost half of the said total, at 48.79%, or 705 votes, ang nagsasabing si Anna, played by Krystal Reyes, ang tunay na Anna Karenina. Siya kaya ang totoong tagapagmana ngayong malakas ang ebidensiyang hawak niya?
Coming in at second place with 320 votes, or 22.15%, is Nina, played by Joyce Ching. Siya na ang kinilalang apo mula nang magtugma ang DNA results nila ni Abel, ngunit posible kayang iba ang ina niya at hindi si Maggie?
Si Karen naman, played by Barbie Forteza, ay nakakuha ng 261 votes, which is 18.06% of the total votes. Pagkatapos siyang palayasin ni Ruth sa mansion ay buong tapang na bumalik si Karen dahil mapapatunayan niyang siya ang totoong Anna Karenina Monteclaro. Makukumbinsi kaya niya si Doña Carmela?
May mga Kapuso rin na hindi pa sigurado kung sino sa tatlo ang kanilang papanigan, dahil 159 sa kanila o 11% ang pinili ang "none of the above". Mababago kaya nina Anna, Karen at Nina ang kanilang isip sa mga susunod na linggo? O tama ba sila na wala sa tatlong dalaga ang totong Anna Karenina?
Tutukan ang mga magaganap at alamin kung sino ang tunay na anak ni Maggie Monteclaro sa
Anna KareNina, gabi-gabi sa GMA Telebabad. --
Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com