What's on TV

Sino nga ba si Allen Ansay sa buhay ni Sofia Pablo?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 1, 2020 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mahigit 9,800 Pilipino, umuwi sa bansa sa harap ng kaguluhan sa Middle East — DMW
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table
Cebu town cautions of jellyfish bloom

Article Inside Page


Showbiz News

allen ansay sopbia pablo on prima donnas


Sa behind-the-scenes vlog ng Prima Donnas, tinanong ni Elijah Alejo si Sofia Pablo kung sino si Allen Ansay sa buhay niya? Alamin ang sagot ni Sofia dito:

Tinanong ng aktres na si Elijah Alejo ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Sofia Pablo kung sino nga ba si Allen Ansay sa kanyang buhay.

Sa online exclusives na inilabas ng Prima Donnas, hindi nakasagot si Sofia sa tanong ni Elijah at halatang nagulat ito.

“Sofia Pablo, marami na ang nagtatanong, sino si Allen Ansay sa buhay mo?” tanong ni Elijah.

Si Allen ang hinirang na First Prince ng StarStruck Season 7.

Sagot ni Sofia, “Ha? Wait. Wait a minute. Uh, abangan?”

Tuwang-tuwa naman ang isa pa nilang kasama sa Prima Donnas na si Althea Ablan dahil sa pagkagulat ni Sofia sa tanong ni Elijah.

Panoorin ang nakakatuwang vlog ng Prima Donnas:

Kasalukuyang hindi mapanonood ang Prima Donnas dahil pansamantalang tinigil ng GMA Network ang produksyon ng drama shows nito alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ang isa sa top-rating drama ng GMA na Onanay ang pansamantalang mapanonood sa timeslot ng Prima Donnas.

Hindi man umeere sa TV, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.