
Palaisipan ngayon sa maraming netizens kung sinong aktres ang gaganap bilang ang makapangyarihang diwata na si Maria Makiling sa bagong mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling.
Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Sa pilot episode ng nasabing serye noong Lunes, January 8, ipinakilala na ang mga karakter nina Elle at Derrick bilang magkasintahan na sina Amira at Alex na nakatira sa paanan ng bundok Makiling.
Si Amira ay ang matulunging dalaga na galing sa pamilya ng mga manggagamot habang si Alex naman ay isang masipag na binata na tumutulong din sa kanilang baryo.
Sa unti-unting pasilip sa mga karakter na bubuo sa revenge drama na Makiling, inilabas na rin ng GMA Public Affairs sa social media ang teaser poster tungkol kay Maria Makiling.
“MARIA MAKILING, NAGPAKITA NA KAY AMIRA! Mahulaan n'yo kaya kung sino ang mahiwagang diwata?” caption sa naturang post.
Ang pagpapakilala kay Maria Makiling ay isa lamang sa maraming pasabog at twists ng revenge series.
Kaya naman subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Makiling cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye